WORK VISAS

RESIDENCY VISAS

PARTNER/FAMILY VISAS

WORK VISAS

Mataas ang demand sa mga manggagawa na mayroong skills na kinakailangan para sa ikauunlad ng ekonomiya ng New Zealand. Kung ikaw ay manggagawa na naghahanap ng visa sa New Zealand, magsign-up sa aming mga serbisyo.

Mag-register sa amin upang makatanggap ng regular na updates at anunsyo mula sa Immigration at sa gobyerno. Ito ay makakatulong upang maging handa sa anumang pagbabago na maaring makaapekto sayo.

RESIDENCY VISAS

Marami ang nagnanais na manirahan sa New Zealand. Nais namin kayong tulungan na manatili at mamuhay sa magandang bansang ito.

Kailangan mo ba ng tulong sa iyong aplikasyon o sa palagay mo hindi mo na-meet ang criteria?

Kamakailan lamang ay nag-introduce ang Immigration New Zealand nang ilang mga occupation exceptions sa Residency process sa ilalim ng Skilled Migrant Category. Makipagugnayan na sa amin kahit hindi ka sigurado kung ikaw ay eligible dahil sa iyong trabaho o dahil sa anumang balakid. Aalamin namin kung ikaw ay kwalipikado at tutulungan ka sa iyong aplikasyon.

FAMILY VISAS

Maraming pagpipilian depende sa iyong sitwasyon ng iyong pamilya. Ang bawat visa policy ay may tiyak na criteria. Masisigurado ng aming mga Licensed Immigration Advisers na nasa tamang pathway ka para maiwasan masayang ang iyong oras at mga hindi kailangang gastos.

PERMANENT RESIDENCY VISAS EXPLAINED

SKILLED MIGRANT CATEGORY

Ang Skilled Migrant Category (SMC) ay ang pangunahing pathway sa residency sa New Zealand. Makipag-ugnay sa amin kung kinukonsidera mong magapply sa pamamagitan ng SMC kahit na iniisip mo na hindi mo pa naabot ang points. Aalamin namin at magbibigay kami ng mga update sa policy para ikaw ay makapaghanda.

RESIDENCE FROM WORK

Ang mga naka-Work to Residence work visa ay maaring mag-apply ng Residency pagkatapos ng dalawang taon ng pagtatrabaho sa visa. Ang patakarang ito ay magagamit sa mga aplikante nasa LTSSL o Talent (Accredited Employer) visa.

OTHER PATHWAYS TO NEW ZEALAND RESIDENCY

Kung ang mga nasabing mapagpipilian ay hindi para sa iyo, may iba pang paraan upang ikaw ay manatili at mamuhay sa New Zealand. Pag-usapan natin ang iyong sitwasyon para malinawan ka sa iyong mga pagpipilian.

FAMILY VISA EXAMPLES

PARTNER VISA

Sa pamamagitan ng Partner Visa, binibigyang daan ang asawa o de facto partner na maisponsoran ng kanilang partner na nasa New Zealand. Ang mga partner ng mga manggagawa ay mayroon din mga pagpipiliang visa.

DEPENDANT VISA

Ikaw ba ay interesadong malaman kung paano mo masusuportahan ang iyong dependants sa pagkuha ng visa sa New Zealand? Maaari namin kayong tulungan kung ano ang best dependent visa para sa inyong mga anak.

PARENT RESIDENT VISA

Kung ang iyong anak ay nasa tamang edad at citizen o residente ng New Zealand, naabot ang income requirements, sumang-ayon na ikaw ay suportahan, maari kang mag-apply upang manirahan sa New Zealand nang permanente.

GRANDPARENT VISITOR VISA

Ang mga magulang at lolo’t lola ay maaring bisitahin ang kanilang pamilya kabilang ang kanilang anak o mga apo sa New Zealand nang maraming beses gamit ang parehong visa.